Mas Mahal Na Kita Ngayon by Michael V Lyrics
Mas mahal na kita ngayon
higit pa kesa noon
Mas mahal na kita
ngayon
at sa habang panahon
Wala akong pakialam
sa 'king nakaraan
Kahit na ako'y
pinagtatawanan
Ang mahalaga'y
mas mahal na kita ngayon
Dahil...
Di mo na 'ko tinutulak
sa'ting hagdanan
Di mo na nilalagyan
ng lason ang ulam
At sa gabi pag ako'y
tulog nang mahimbing
Di mo na ako
tinatakpan ng unan
Di mo na sinusubsob
ang mukha ko sa kalan
Di mo na 'ko sinisipa
sa 'king harapan
At mas makinis na rin
ang balat sa dibdib
Dahil hinding hindi
mo na 'ko pinakukulam
Ang hapdi at kirot
ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat
mas mahal na kita ngayon
Mas mahal na kita ngayon
'Wag ka nang magtatanong
Basta't mahal na kita ngayon
Yan ang lagi kong tugon
Kahit di mo nakikita
o nararamdaman
Ang aking tuwa
ay walang paglagyan
Ang alam ko lang
mas mahal na kita ngayon
Dahil...
Di mo na pinapakain
ng para sa pusa
Di mo na pinipitik
ang mata ng pigsa
At pag sinabi mo sa 'king
guipt ko'y maganda
Di na masyadong malakas
ang iyong tawa
Di mo na 'ko
pinasisinghot ng paminta
Di mo na nilalagyan
ng langgam sa tenga
Hindi na kulay dugo
ang aking paningin
Dahil hindi na hinihiwa
ng blade sa mata
Ang hapdi at kirot
ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam..
pagkat mas mahal na kita ngayon
Ang mahalaga'y
mas mahal na kita ngayon
Dahil...
Di mo na kinukwentong
satanista ako
At ang nanay ko'y nireyp
ng isang maligno
Nabawasan na rin
ang bukol sa ulo
Dahil hindi mo na'ko
pinapalo ng tubo
'Di mo na pinapalayas
ng nakahubo
'Di mo na pinapaligo
ng bagong kulo
Medyo hindi na rin ako
nagmumukhang bungo
Dahil hindi mo na
dinodonate ang aking dugo
Ang hapdi at kirot
ng sinapit ko noon... Howohuwohuwo
('Di ko na ramdam pagkat
mas mahal na kita ngayon)
Kahit nasan ka man
mas mahal na kita ngayon
Ang cute mo naman
bagay ka sa iyong..
Ataol..
Mag-post ng isang Komento