Arthur Miguel - Paraiso Lyrics

Paraiso Lyrics

by  Arthur Miguel


‘Di ko maintindihan

Aking nararamdaman

Hinihintay nalang

Mga oras ay lumipas


‘Di alam ang gagawin

Para bang may kulang sakin

Ano nga ba ito?

Ako ay nalilito


Tila lumulutang

Sa dagat na walang hanggang

Patungo sa kung saan ako’y masasaktan

O para bang isang paraisong

Ako lamang ang nandito

Kasama ang aking kalungkutan


‘Di nila alam

‘Di naman kasi nila alam

Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala

‘Di nila alam

‘Di nila maiintindihan

Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa

At labis na nasasaktan


Sugatang damdamin

Ang dala gabi gabi

Hayaan mo nalang,

panahon ay lumilipas


Pilitin mong ipikit ang matang kumakapit

Sa mga luha

Baka sakaling ito ang lunas


Limutin na ang kahapon at pagbigyan

Ang kamay ng oras

Makakamit mo rin ang wakas

Dito sa paraisong ako lamang

Ang ‘yong gabay kasama ng aking kalungkutan


‘Di nila alam

‘Di naman kasi nila alam

Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala

‘Di nila alam

‘Di nila maiintindihan

Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa

At labis na nasasaktan


‘Di nila alam

‘Di naman kasi nila alam

Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala

‘Di nila alam

‘Di nila maiintindihan

Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa

At labis na nasasaktan


Hmmm

Ohhh

Hmm…


‘Di nila alam

Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa

At labis na nasasaktan

Mag-post ng isang Komento