Balaraw - Kulisap Lyrics

Babalik, babalik, babalik

Kung san ka natuto


Pasasaan pa'y babalik din

Kulisap bumisita ka naman sakin

Kahit minsan

Dumapo sa hapag

Atin nang pagsaluhan


Kulisap nasan ang 'yong pakpak

Mukhang malayo na ang nilakbay

Ba't ang pungay?

Kulang na ba ang 'yong paa

Kwentuhan tayo heto ang silya


Naulila man ang bulaklak

Bagyo.. bagyo..

Araw... araw.. ay lilipas

Lilipas


Huwag mong pilitin maging paru-paro

Iba ang hulma sa iyo

Babalik babalik babalik

Kung san ka natuto

Kung san ka natuto


Inararo lupang kinagisnan

Gagawa ng bagong lungga

Sa tag-init, mag-aapoy

Sisiklab ang pusong nalunod sa balon


Naulila man ang bulaklak

Bagyo.. bagyo

Araw... araw.. ay lilipas

Lilipas..


Huwag mong pilitin maging paru-paro

Iba ang hulma sa'yo

Babalik babalik babalik

Kung san ka natuto

Kung san ka natuto


Huwag mong pilitin maging paru-paro

Iba ang pinta sa iyo

Babalik babalik babalik

Kung san ka natuto

Kung san ka natuto


Lipad.. ooh

Lipad.. ooh

Padayon.. ooh

Padayon.. ooh

Mag-post ng isang Komento