Bryan Termulo - Agwat Lyrics

Agwat Lyrics

by Bryan Termulo 


Sa layo ng pagitan nating dalawa

Hindi ko mapigilan na maisip ka

Oh lumalamig na ang gabi sa pag-iisa

Nagliliyab ang puso sa tuwing naaalala sinta


Maghihintay akong di na

Dapat magkalayo

Sumpaang hindi bibitaw


Oras ma’y iba sa ating dalawa

Nararamdaman natin ay iisa

Ibibigay lahat matulay lang ang agwat

Hanggang sa huli na makapiling ka


Kung agwat na ang kalaban, paano papalag

Ang oras ay pagitan na di ko matibag

Oh nababaliw sa sandali, naaalala

‘Di kita pwedeng makatabi sa pag-iisa


‘Di tayo kaya ng panahon

Ipapangako mo lang ako

Sumpaang hindi bibitaw


Oras ma’y iba sa ating dalawa

Nararamdaman natin ay iisa

Ibibigay lahat matulay lang ang agwat

Hanggang sa huli na makapiling ka


Oo nga hindi madali

Humawak lang hanggang sa huli

Sumpaang hindi bibitaw


Oras ma’y iba sa ating dalawa

Nararamdaman natin ay iisa

Ibibigay lahat matulay lang ang agwat

Hanggang sa huli na makapiling ka





Mag-post ng isang Komento