Ebe Dancel - Bawat Daan Lyrics

Bawat Daan Lyrics

by Ebe Dancel


Sa pagkumpas ng ‘yong kamay

Aking landas, ginagabay

Nag-iisang tiyak sa isang libong duda

Silong sa iyak at pagluluksa

Kung puso ko ay imamapa

Ikaw ang dulo, gitna’t simula

Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)

Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)

Oh, maligaw man at mawala

At umikot man sa kawalan

Sa bawat kailan, sino’t saan?

Ikaw lamang ang kasagutan

Bawat kanan at kaliwa

Kung timog man o hilaga

Ang bawat daan ko

Ay patungo, ay pabalik sa ‘yo

Kay tagal nang lumulutang

Walang pupuntahan, walang dahilan

Parang ulap na walang dalang ulan

Kamang walang kumot at unan

Bihag ako ng pagtataka

May saysay ba ang paglalakbay

Ngunit nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)

Nahanap kita (kay tagal kong naghintay)

Oh, maligaw man at mawala

At umikot man sa kawalan

Sa bawat kailan, sino’t saan?

Ikaw lamang ang kasagutan

Bawat kanan at kaliwa

Kung timog man o hilaga

Ang bawat daan ko

Ay patungo, ay pabalik sa ‘yo

sa iyo

(Kay tagal kong naghintay) oh-ohh

Kung ang puso ko ay imamapa

Ikaw ang dulo, ang gitna’t simula

Ikaw

Ikaw

Mag-post ng isang Komento