Kababata
By Kyla And Kritiko
(Kyla)
Napakasarap siguro
Kung ‘di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko
Para sa’tin ay nawala
Kung maari sanang maibalik ang dati
Hindi sana ‘to nangyari
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama
(Kritiko)
Sa malawak na lupain doon sa aming bukirin
Tayo laging magkasama, umaga hangggang dilim
Sa ilalim ng punong mangga, sabay nating ipininta
Ang sumpaang idinikta mo sa’kin ang pag-ibig na
Manggagaling sa’yo kahit mga bata pa tayo
Ay hindi na mabilang amg mga nabubuong mga plano
Kasabay ng eroplanong papel ang paglipad
Ng mga pangarap nating gusto nating marating
Tunay na pag-ibig na ang nadama sa aking edad na siyam
Ako’y palaging masaya yan lang ang aking alam
Sa bawat oras na kasama ka habang naglalaro sa ating baryo
Ay hindi ko mapigilang matitigan medyo pilyo na
Ang pagtinigin mo sa’kin pero ‘di mo
Kinakailang ako’y gusto mo rin at parang ‘di ko
Gusto na gugustuhing mapalayo pa
Ikaw lang ang para sa akin
Sa aking dalangin, palaging nandun ka
(Kyla)
Napakasarap siguro
Kung ‘di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko
Para sa’tin ay nawala
Kung maari sanang
Maibalik ang dati
Hindi sana ’to nangyari
Ikaw pa rin sana
Ang palagi kong kasama
(Kritiko)
Araw araw ang eskena ay palaging masaya
Sa pagpasok, pag-uwi ng eskwela kasama ka
Hanggang sa paglalaro ikaw pa rin ang kapareha
Sa aking kaharian ikaw ang natatanging reyna
Lahat ay itchapwera kahit na anu mang bagay
Katunayan boto sakin ang iyong mahal sa buhay
Kumpleto na’t matibay at lahat ay ok na
Hanggang sa dumating ang biglaan na problema
Nagulat ako isang araw nakita ko ang aking ama at aking ina
Nakita ko na sila’y merong bisita ang mga kulay ng mata ay iba
Tinawag nila ko’t lumapit sa aming bisita halika anak halika
Nung narating ko bakit ano po? Anak ganito maupo ka
Matutupad na ang parangarap ko para sa’yo ito na to
Wag mo sana kaming bibiguin umaasa ako at ang ama mo
Magpapaalam ako sa iyo kahit na masakit kakayanin ko to
Lilisan ako pero tandaan mo na ako may magbabalik para sa’yo
(Kyla)
Nagbilang ng mga araw at buwan
Ngunit panaginip ng muli kang madatnan
Kung sana’y ‘di nawalay kahit na isang saglit
Pag-ibig ay buhay pa rin kahit ‘di na pumikit
Sa’king pag-uwi baon ko’y walang hanggang ngiti
Lundag ng puso sabay sa bawat paghakbang patungo sa’yo
Ngunit parang may nagbago
(Kritiko)
Lumipas ang napakaraming taon sa wakas ako’y nakabalik ng muli
‘Di masukat sa labi ang mga ngiti, napawi ko na lahat ng pighati
Pumasok sa aking isipan na ang kasagutan ko sa katanungan ay narito na
‘Di na maghihiwalay, humawak ka sa’kin ibabalik ka
Sa dating napakasaya nung tayo’y mga bata pa
Sa lugar kung saan na ikaw at ako ay nangako na tayo na ngang dalawa
Nagtungo ako baka naroon ka kasi nga gusto na kitang makita
Nung narating ko niyakap mo ako, salamat sa iyo dumating ka
Yan ang salita na nanggaling sa’yo napaluha ako ngayong katabi ko
Na ang babaeng nag-iisa lamang na pinakamamahal ko sa mundo
Humawak ka sa’king kamay kasabay ng mga luhang taglay
Ng emosyon at pananabik, napakasarap ng mga bawat halik
Tumangan ka sakin at ibinulong mo ang iyong mga pangungulila
Nagpasalamat ka sa’kin pero patawad mahal ng mahina
Tinitigan kita sa mata bakit meron ka bang kasalanan?
Laking gulat ko na lamang nawala ka ng biglaan
Pero bakit gan’to ano ba ang nangyari bakit wala manlang sa’kin nagsabi
Ano bang klaseng biro ito ikaw daw ay naaksidente
Ayokong maniwala sa kanila mahal ko ako ay nakabalik na
Mahal ko ngayon ako’t narito na ibabalik natin ang dating saya
Sumama ka sa’kin sabay tatahakin ang mga hangarin na para sa atin
Salamat sapagkat ako’y inantay ‘di na muli pang maghihiwalay
Kahit na masakit kakayanin ko ‘to, kahit na buhay ko pa ang itaya
Kahit na masakit kakayanin ko ‘to, kahit na buhay ko pa ang itaya
Kung nalaman ko lamang ay ‘di mo dinanas ang pinagdusahan mo’t pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan, tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman ikaw pala’y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa kahit sino pa yan gusto kong gantihan
Kung nalaman ko lamang ay ‘di mo dinanas at pinagdusahan mo’t pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan, tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman ikaw pala’y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa kahit sino pa yan gusto kong gantihan
Bakit nila sa’yo ‘to nagawa (6x)
‘Di sana ‘to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala
Bakit nila sa’yo ‘to nagawa (6x)
‘Di sana ‘to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala
Mag-post ng isang Komento