The Juans - Magkikita (Lyrics)

 

Magkikita Lyrics 

by The Juans


[Verse 1]

Sinusubok man ng panahon

Ang ating mga sarili sa darating na bukas

Unti-unting nasisilayan ang munting liwanag

Sa pagsikat ng araw


[Pre-Chorus]

At kahit na anong pagsubok man ang harapin

Hinding-hindi susuko

Sama-sama ang mga pangarap aabutin


[Chorus]

Basta walang susuko

Umiyak kung kinakailangan

Tapos ay babangon

Palaging tatandaan 'di ka nag-iisa

Buksan mo lang ang iyong mata

Muling maniwala tayo'y makakalaya

Huminga ng malalim

'Yan ay ating kakayanin, 'di ka nag-iisa

Tayo'y muling magkikita


[Verse 2]

Kahit na nakakapagod nang umasa

Magpapatuloy sa hamon ng buhay

Araw-araw mang tinatangay ng mga alon

Sabay-sabay na aahon


[Pre-Chorus]

At kahit na anong pagsubok man ang harapin

Hinding-hindi susuko

Sama-sama ang mga pangarap aabutin


[Chorus]

Basta walang susuko

Umiyak kung kinakailangan

Tapos ay babangon

Palaging tatandaan 'di ka nag-iisa

Buksan mo lang ang iyong mata

Muling maniwala tayo'y makakalaya

Huminga ng malalim

'Yan ay ating kakayanin, 'di ka nag-iisa

Tayo'y muling magkikita (Magkikita)


[Outro]

Basta walang susuko

Umiyak kung kinakailangan

Tapos ay babangon

Palaging tatandaan 'di ka nag-iisa

'Di ka nag-iisa, 'di ka nag-iisa

Tayo'y muling magkikita






Mag-post ng isang Komento