Mga Kababayan Ko by Francis Magalona

MGA KABABAYAN…


Mga kababayan ko

Dapat lang malaman nyo

Bilib ako sa kulay ko

Ako ay pilipino

Kung may itim o may puti

Mayron naman kayumangi

Isipin mo na kaya mong

Abutin ang yung minimithi


Dapat magsumikap para tayo’y di maghirap

Ang trabaho mo pagbutihin mo

Dahil pag gusto mo ay kaya mo

Kung kaya mo ay kaya nya

At kaya nating dalawa

Magaling ang atin

Yan ang laging iisipin

Pag-asenso mararating

Kung handa kang tiisin

Ang hirap at pagod sa problema

Wag kang malunod

Umaahon ka wag lumubog

Pagka’t ginhawa naman ang susunod

Iwasan mo ang ingit

Ang sa iba’y ibig mong makamit

Dapat nga ika’y matuwa sa napala ng iyong kapatid

Ibig kong ipabatid

Na lahat tayo ay kapit-bisig


Mga kababayan ko

Dapat lang malaman nyo

Bilib ako sa kulay ko

Ako ay pilipino

Kung may itim o may puti

Mayron naman kayumangi

Isipin mo na kaya mong

Abutin ang yung minimithi


Respetuhin natin ang ating ina

Ilaw siya ng tahanan

Bigyang galang ang ama

At ang payo n’ya ang susundan

At sa magkakapatid

Kailangan ay magmahalan

Dapat lang ay pag-usapan ang hindi nauunawaan

Wag takasan ang pagkukulang

Kasalan ay panagutan

Magmalinis ay iwasan

Nakakainis marumi naman

Ang magkaaway ipag bati

Gumitna ka at wag kumampi

Lahat tayoy magkakapatid

Anong mang mali ay ituwid

Magdasal sa Diyos Maykapal

Maging banal at wag hangal

Itong tula ay alay ko

Sa bayan ko at sa buong mundo


Mga kababayan ko

Dapat lang malaman nyo

Bilib ako sa kulay ko

Ako ay pilipino

Kung may itim o may puti

Mayron naman kayumangi

Isipin mo na kaya mong

Abutin ang yung minimithi


Dapat magsumikap at ng tayo’y di maghirap

Trabaho mo pagbutihin mo

Dahil pag gusto mo ay kaya mo

Kung kaya mo kaya nya

At kaya nating dalawa

Magaling ang atin

Yan ang laging iisipin

Pag-asenso mararating

Kung handa kang tiisin

Ang hirap at pagod sa problema

Wag kang malunod

Umaahon ka wag lumubog

Ginhawa naman ang susunod

Iwasan mo ang pag-ingit

Ang sa iba’y ibig mong makamit

Dapat nga ika’y matuwa sa napala ng iyong kapatid

Ibig kong ipabatid

Na lahat tayo’y kapit-bisig


Mga kababayan ko

Dapat lang malaman nyo

Bilib ako sa kulay ko

Ako ay pilipino

Kung may itim o may puti

Mayron naman kayumangi

Isipin mo na kaya mong

Abutin ang yung minimithi


Mga kababayan ko

Dapat lang malaman nyo

Bilib ako sa kulay ko

Ako ay pilipino

Kung may itim o may puti

Mayron naman kayumangi

Isipin mo na kaya mong

Abutin ang yung minimithi

Mag-post ng isang Komento