Shehyee - Kuntento Lyrics

Kuntento Lyrics

by Shehyee


Yo

Pa′no ba sipagin bruh

Pwede ba ituro n’yo sa akin

Ang hirap hanapin

Gan′to ba talaga ‘pag natupad na ang iyong dalangin, ey


‘Di ko na bibilangin

Not a fan, baka sabihin n′yo mahangin

Gan′to na lang, alam n’yo sa′n ako nanggaling

Kung babalikan ‘yon ay hindi na pwedeng lakarin, ey


Parang lyrics lang ni Thyro

Kilome-kilome-kilometro ang layo

Masaya na sana kaso

′Di ko gets, ‘di ko gets kung saan na ′ko dadako

Gumawa ‘ko ng pangarap na mahirap abutin

Nung naabot ko ka’gad ′di na alam gagawin

Masyado akong pinalad gusto ko na sampalin

Ang sarili ko para magising whoa


Gusto ko nang mapaso

Para mag-alab ulit

Parang gusto kong matalo

Para ganahan ulit

Nalimutan ko na pa′no

Ang mangarap ulit

Nagsimulang mawala ang kulit ko

Sa tingin ko magmula no’ng


Makuntento…

(Makuntento, oh makuntento)

Ah, ′yon ang turo nila

Kung gusto mong sumaya ay

Makuntento…

(Makuntento, oh makuntento)

Tama ba talaga ang makuntento



Kung nakuntento mga tao nung unang panahon, bruh

Asan kaya tayo ngayon

Tingin mo may gripo o ‘yong tubig mo iniigib mo pa rin ′to sa balon

Pa’no kung ok lang sa kanilang ′di maligo

Naimbento kaya ‘yong sabon

Paano kung mga taong nauna noon

Nakuntento nang ‘di alam ang sagot sa mga tanong

Saan tayo pupulutin

Aabot ba sa kabilang ibayo

Sa buwan ba′y makakarating tayo

Kung nakuntento na lang sila sa kanilang kabayo

Sila ay nangarap, sinubukang abutin

Nung naabot nila ba′t sila ay gutom pa rin

Ganu’n yata dapat bakit ′di ko sampalin

Ang sarili ko para magising whoa whoa


Gusto ko nang mapaso (kasi, kasi)

Para mag-alab ulit

Parang gusto kong matalo (bakit, bakit)

Para ganahan ulit

Nalimutan ko na pa’no (alin, alin)

Ang mangarap ulit

Nagsimulang mawala ang kulit ko

Sa tingin ko magmula no′ng


Makuntento…

(Makuntento, oh makuntento)

Ah, ‘yon ang turo nila

Kung gusto mong sumaya ay

Makuntento…

(Makuntento, oh makuntento)

Tama ba talaga ang makuntento


Ngayo′y ayos lang

Kung ‘di ko pa kaya

‘Gang dito lang muna

Ngunit hanggang kailan

Parang ′di ko pa kaya

Bukas ng umaga


Ang kadena ko′y kakalagan

May ayaw tumabi gawan ng paraan

Kung sa’n ako papunta ay hindi ko alam

Basta ′di na ‘ko papayag na hanggang dito na lang

Napakarami pa nating kayang gawin

Iba′t-ibang dahilan na aalamin

Walang katapusan kung lalakbayin

Kaya sisimulan ko nang takbuhin

At hindi na importante sa akin

Kung sa’n man ako nanggaling

O sa′n man ako makakarating

Hihinto na lang tuwing aamuyin

Ang simoy ng hangin

Tapos sa harap na uli ang tingin

Sabi nila’y ‘di ka magiging masaya

Kapag ′di ka nakuntento sa ibinigay ng Diyos

Ang tanong ko lang

Masaya ba ′yong mga taong

Nagkakasya lang sa pagiging kapos


O-o, ba’t nawala ′yong beat

‘Di pa ′ko tapos


Makuntento…


Mag-post ng isang Komento