Pepe Smith - Ihip Ng Hangin Lyrics

"Ihip Ng Hangin"


Sa ihip ng hangin
Di ko namalayan
Na ako pala'y naligaw
Sa isang panaginip
Na di ko pa narating at naranasan
Ngayon ko lang nadama
Yakap ng umaga at halik ng mga bituin
Ibibigay ko sayo
Ang pag-ibig ng buong mundo
At iaalay ko rin sayo
Ang pusong wagas at totoo
Sa agos ng tubig
Aking naririnig
Awit ng buhay
Sa bawat patak ng ulan
Mga luha'y nahugasan
Budhi ay nasinagan (ah)
Ipadarama ko sayo
Kaligayahan ng buong mundo
Masdan mo ang bahaghari
Tulay na papuntang langit
Daan ng ating panaginip
Katulad ng mga ulap
Ang mga pangarap
Lumulutang sa ihip ng hangin
Awitin natin to
At isigaw mo sa buong mundo
Ihip ng hangin
Inyong awitin
Na parang ihip ng hangin
Ihip ng hangin
'Yong awitin
Ihip ng hangin
Inyong awitin
Himig natin
Himig natin
Ihip ng hangin
Himig ng hangin
Himig ng hangin
Ihip ng hangin

Mag-post ng isang Komento