Agsunta - Bagong Umaga Lyrics

Agsunta Lyrics


"Bagong Umaga"

Darating din ang umaga
Na ako ay masaya
Darating din ang panahon
Kalungkutan ay maibabaon
Sa pag-usad ng umaga, sa bukang-liwayway
Baon ang pag-ibig na aking taglay
Unti-unting bubuuin
Ang pag-ibig na nawalay sa 'kin
Iingatan na ang puso ko
Sa sakit na dala ng mundo
Babangon na ako sa pagkahimlay
Dadalhin ang pag-asang ikaw ang nagbigay
Darating din ang umaga
Ngingiti at tatawa
Darating din ang gabing
Makakatulog na ng mahimbing
Sa pag-usad ng umaga, sa bukang-liwayway
Baon ang pag-ibig, na ikaw ang nagbigay
Unti-unting bubuuin
Ang pag-ibig na nawalay sa 'kin
Iingatan na ang puso ko
Sa pait na dala ng mundo
Babangon na ako sa pagkahimlay
Dadalhin ang pag-asang ikaw ang nagbigay
Babangon na ako
Babangon na ako
Babangon na ako
Babangon na ako
Unti-unting bubuuin
Ang pag-ibig na nawalay sa 'kin
Iingatan na ang puso ko
Sa sakit na dala ng mundo
Unti-unting bubuuin
Ang pag-ibig na nawalay sa 'kin
Iingatan na ang puso ko
Sa sakit na dala ng mundo
Dumating na ang umaga
Ako ngayon ay masaya

Mag-post ng isang Komento