Aicelle Santos - Bahagi Ko Ng Langit Lyrics

Aicelle Santos Lyrics


"Bahagi Ko Ng Langit"


[Verse 1]

Bakit may pait?
Sa akin ba'y galit?
Ako ang nasa tama ngunit tadhana'y malupit
Ako'ng nagdurusa
Ligaya'y tila kanila
Ano bang dapat ko na ginawa
Maiiwasan bang lumuha?

[Pre-Chorus]
May nakakakita ba?
May makakapitan ba?
[Chorus 1]
Kung 'di pantay ang langit at 'di maabot ng lupa
Ang tunay na pag-ibig, mararanasan pa kaya?
Kung araw ay mainit, bakit umaga'y kay ginaw
At bakit nakilala kung 'di naman pala ikaw?
Sakim bang tanungin
May bahagi ba na para sa akin?

[Pre-Chorus]
May nakakakita ba?
May makakapitan ba?

[Chorus 2]
'Di man pantay ang langit, ako'y aapak sa lupa
Ang tunay na pag-ibig, sa akin magsisimula
Iwanan man ng araw, lunurin man ng ulan
Sa pag-asa ako'y kakapit
Ang puso ko ay tatahan
Doon aking makakamit
Munting bahagi ko ng langit

Mag-post ng isang Komento