Basil Valdez - Sana ay Ikaw Na Nga Lyrics

Basil Valdez Lyrics


"Sana ay Ikaw Na Nga"


Ano'ng kailangan kong gawin
Upang malaman mo, ikaw ay minamahal ko?
Kailangan ko'y katulad mo sa buhay kong ito
Nag-iisa lang sa mundo
Dati'y nasaktan na 'ko, takot nang magtiwala
Ayoko na sanang umibig pa
Ngunit ika'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga
Ano'ng kailangan kong gawin
Upang matigil na ang kabaliwan kong ito?
Sumpa ko sa sarili'y hinding-hinding hindi na
Ngunit heto na naman ako
Hindi na papipigil pa at 'di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo
Ikaw talaga'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga
Ano'ng kailangan kong gawin
Upang matigil na ang kabaliwan kong ito?
Sumpa ko sa sarili, hinding-hindi hindi na
Ngunit heto na naman ako
Hindi na papipigil pa at 'di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo
Ikaw talaga'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga
Sana ay ikaw na nga

Mag-post ng isang Komento