Bing Rodrigo - Hiram Lamang Lyrics

Bing Rodrigo Lyrics


"Hiram Lamang"


Mayro'n ka mang ibang sinisinta
Sa'kin din ay may nagmamahal
'Di ito hadlang sa pag-ibig ko sa'yo
Kasalanan man sa mata ng tao
Kahit ikaw ang mahal kong tunay
Ayokong angkinin ang buong buhay
Kabahagi lang ang hinihiling ko
Alam kong isa lang ang puso mo
Kahit sabihin pang pag-ibig ay hiram lamang
At ang pagtangi mo sa akin ay kulang
Ibigin lang ako ay para nang husto
Kundi mabibigo ang pagsamo ko
Kahit sabihin pang pag-ibig ay hiram lamang
At ang pagtangi mo sa akin ay kulang
Ibigin lang ako ay para nang husto
Kundi mabibigo ang pagsamo ko
Kahit ikaw ang mahal kong tunay
Ayokong angkinin ang buong buhay
Kabahagi lang ang hinihiling ko
Alam kong isa lang ang puso mo
Kahit sabihin pang pag-ibig ay hiram lamang
At ang pagtangi mo sa akin ay kulang
Ibigin lang ako ay para nang husto
Kundi mabibigo ang pagsamo ko
Kahit sabihin pang pag-ibig ay hiram lamang
At ang pagtangi mo sa akin ay kulang
Ibigin lang ako ay para nang husto...

Mag-post ng isang Komento