Bing Rodrigo - Hiwaga Ng Pag-Ibig Lyrics

Bing Rodrigo Lyrics


"Hiwaga Ng Pag-Ibig"


Isang ginintuang sandali
Na Diyos lamang ang Siyang magsasaksi
Dalawang pusong magsasama
Sa hirap man o ginhawa
Sumpang hindi magmamaliw
Hagkan nati't wala nang bibitiw
Ligayang walang hangganan
Pag-ibig natin ang s'yang puhunan
Huwag nang sukatin pa
Ang pagsuyong nadarama
Langit sa atin naghatid
Nitong hiwaga ng pag-ibig
Narito't damhin mo na
Ang pagsuyong minumutya
O, kay ganda ng daigdig
Sa hiwaga ng pag-ibig
Sumpang hindi magmamaliw
Hagkan nati't wala nang bibitiw
Ligayang walang hangganan
Pag-ibig natin ang s'yang puhunan
Narito't damhin mo na
Ang pagsuyong minumutya
O, kay ganda ng daigdig
Sa hiwaga ng pag-ibig

Mag-post ng isang Komento