Bing Rodrigo Lyrics
"Ngayong Wala Ka Na"
Kahit ngayong wala ka na
Alaalang iniwan mo'y nasa isip ko pa
Kahit ngayong malayo ka na
Sana'y malaman mong mahal pa rin kita
Walang sapat na dahilan
Upang ikaw ay lumayo dito sa piling ko
Nagkamali ma'y 'di sinasadya
Magagawa ko bang damdamin mo'y saktan?
Sa aking pag-iisa, lungkot ang nadarama
Magulo at lito ang isip ko, gabi at umaga
Saan ba ako pupunta para malimutan ka?
Inaamin ko minsa'y nagkamali ako
Ngunit hindi ko malimot, kailangan pa kita
Ayoko sanang isiping malayo ka na
'Pagka't puso ko ay nagdurusa
Walang sapat na dahilan
Upang ikaw ay lumayo dito sa piling ko
Nagkamali ma'y 'di sinasadya
Magagawa ko bang damdamin mo'y saktan?
Gayong alam mo namang mahal na mahal kita
Tanging sisi ko lamang ang hayaan kang lumayo
Gayong 'di ko naman kayang mabuhay nang malayo sa'yo
Inaamin ko minsa'y nagkamali ako
Ngunit hindi ko malimot, kailangan pa kita
Ayoko sanang isiping malayo ka na
'Pagka't puso ko ay nagdurusa
Inaamin ko minsa'y nagkamali ako
Ngunit hindi ko malimot, kailangan pa kita
Ayoko sanang isiping malayo ka na
'Pagka't puso ko ay nagdurusa
Inaamin ko minsa'y nagkamali ako
Ngunit hindi ko malimot...
Mag-post ng isang Komento