Bing Rodrigo Lyrics
"Sinayang Mo"
Angkin mo ang gandang nakakabighani
Katangiang nasa 'yo'y maiingit sila
Tulad mo ay isang bulaklak sa hardin
Handog ng langit at ako ay inakit
Ngunit bakit ang 'yong ganda'y panlabas lamang?
Bumubulag sa gaya kong umiibig sa'yo
Ikaw pala ay rosas na walang bango
Tinik mo'y bumaon, puso ko'y sinugatan
Sinayang mo, o giliw ko
Mga handog ng Diyos sa'yo
'Pagka't ang puso'y mapaglaro
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo
Ngunit bakit ang 'yong ganda'y panlabas lamang?
Bumubulag sa gaya kong umiibig sa'yo
Ikaw pala ay rosas na walang bango
Tinik mo'y bumaon, puso ko'y sinugatan
Sinayang mo, o giliw ko
Mga handog ng Diyos sa'yo
'Pagka't ang puso'y mapaglaro
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo
Sinayang mo, o giliw ko
Mga handog ng Diyos sa'yo
'Pagka't ang puso'y mapaglaro
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo (sinayang mo)
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo (sinayang mo)
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo
Mag-post ng isang Komento