Bryan Termulo - Taguan Lyrics

Bryan Termulo Lyrics



"Taguan"


Parang napapansin nila ang ibang
Mga tinginan ng pagsusuyuan
Hanggang kailan tayo magtatago?
'Pag tayo lamang dalawang malambing
'Pag may iba, 'di na lang makatingin
Oh, para lang tayong naglalaro
Dapat bang aminin na, tungkol sa 'ting dalawa?
Ano nga ba'ng iyong kinakatakot?
Hindi pa rin papayag ang iba
Parang ang tagal nang ganito, ooh-whoa-oh
Ang nais lang naman ay sana
'Di na palihim sa t'wing kasama
Mayakap ka nang madiin
Na para kaya na tayo sa katapusan
Itigil na ang taguan
Madami nang tila'y naguguluhan
Tayo ba raw ay nagkakahulugan?
Gusto nang sumagot nang totoo
'Pag 'di kasama, laging nasasabik
T'wing aalis, hinahanap pabalik
Paano ba tayo magtatago?
Dapat bang aminin na, tungkol sa 'ting dalawa?
'Di na dapat na tayo ay matakot
Baka sakaling payag na sila
Dahil ang tagal nang ganito, ooh-whoa-oh
Ang nais lang naman ay sana
'Di na palihim sa t'wing kasama
Mayakap ka nang madiin
Na para kaya na tayo sa katapusan
Itigil na ang taguan
Tama ba si Kupido
Noong pinana tayo sa larong ito?
Oh, dinadaya natin ang magpakailan pa man
Itigil na ang taguan
Ooh, ooh-ooh-ooh, hmm-mmm
Ang nais lang naman ay sana (ooh)
'Di na palihim sa t'wing kasama
Mayakap ka nang madiin
Na para kaya na tayo sa katapusan (ooh, ooh-ooh-ooh)
Itigil na ang taguan
Tama (tama) ba si Kupido
Noong pinana tayo sa larong ito?
Oh, dinadaya natin ang magpakailan pa man
Itigil na ang taguan

Mag-post ng isang Komento