Sam Concepcion - Bukas Makalawa Lyrics

Sam Concepcion Lyrics


"Bukas Makalawa"


Sadyang mapaglaro ang palad ko't tadhana
Puso'y napadpad sa 'yo at 'sinawalang-bahala
Mga tanong, mga babala, dagling binigay ko ang lahat
Kahit itong puso'y 'di handa, ako ay umibig sapagkat
Ako'y susubok kahit 'di sigurado, whoa, oh
Kung bukas makalawa, ikaw ba ay nandito pa?
O bukas makalawa, tuluyan nang maglalaho'ng mga hiram na sandali
Pa'no tayo bukas, bukas makalawa?
Sadyang mapaglaro ang takbo ng buhay natin
Baka kung kailan pa ako ay nahulog na't bawiin
Sa 'kin itong puso mong handa na ring binigay sa 'kin ang lahat
Ang mga tanong, mga babala, nanunumbalik sapagkat
Ako'y sumubok kahit 'di sigurado, whoa, whoa
Kung bukas makalawa, ikaw ba ay nandito pa?
O bukas makalawa, tuluyan nang maglalaho'ng mga hiram na sandali
Pa'no tayo bukas? Pa'no tayo bukas makalawa?
Ikaw ba ay nandito pa?
O bukas makalawa, tuluyan nang maglalaho'ng mga hiram na sandali
Pa'no tayo bukas, bukas makalawa?

Mag-post ng isang Komento