Sam Concepcion - ITO ANG LIGA Lyrics

Sam Concepcion Lyrics


"ITO ANG LIGA"


Whoa-oh-oh, whoa-oh-oh
Whoa-oh-oh-oh
Whoa-oh-oh, whoa-oh-oh
Whoa-oh-oh-oh
Wala na nga sigurong mas kinababaliwan
Sa pambansang libangan ng bayan
Laro'y 'sinasapuso at kinaaliwan
Na para bang digmaan ang laban
Manalo, matalo, walang kokontra
Depensa, opensa, bilog ang bola, whoa-oh
Ito ang liga (whoa-oh-oh-oh)
Ito ang liga (whoa-oh-oh-oh)
Sentro ng kuwento ng bayan
Siyento porsiyento ang laban
Whoa-oh-oh, whoa-oh-oh
Whoa-oh-oh-oh
Whoa-oh-oh, whoa-oh-oh
Whoa-oh-oh-oh
Wala na nga sigurong mas kinasasabikan
Ang galing ng liga ng bayan
Sa dami ng daluyong at hirap na natikman
Game pa rin, partida pa nga 'yan
Manalo, matalo, walang kokontra
Depensa, opensa, bilog ang bola, whoa-oh
Ito ang liga (whoa-oh-oh-oh)
Ito ang liga (whoa-oh-oh-oh)
Sentro ng kuwento ng bayan
Siyento porsiyento ang laban
Whoa-oh-oh, whoa-oh-oh
Whoa-oh-oh-oh
Whoa-oh-oh, whoa-oh-oh
Whoa-oh-oh-oh
Batak na batak ang mga koponan
Tatak na tatak, talaga nga naman
Pasa pa lang na binato, sadyang kawili-wili na
At malamang pati kayo, napapapigil-hininga
Sa bawat dribble, bantay-sarado
Sa bawat sipol, lahat kabado
Lahat nakatutok sa TV
Pati si utol ay nakikinood na sa kanto
Si idol, umariba na, tumira bumitaw
Libo-libong tagahanga sa arena sumigaw
(Rebound) biglang baba, biglang tira
(Shout) isang bansa, isang liga
Basketbolista'y ganadong-ganado
Bawat atleta'y kamadong-kamado
Ang kampeonato ay ibubulsa
Local o global, may ibubuga
Manalo, matalo, walang kokontra (walang kokontra)
Depensa, opensa, bilog ang bola, whoa-oh (oh-oh-oh-oh)
Ito ang liga (whoa-oh-oh-oh)
Ito ang liga (whoa-oh-oh-oh)
Sentro ng kuwento ng bayan
Siyento porsiyento ang laban
Walang kasinggaling, kasinggilas
'Di maitatangging Pilipinas
Walang kasinggaling, kasinggilas
'Di maitatangging Pilipinas
Walang kasinggaling, kasinggilas
'Di maitatangging Pilipinas
Walang kasinggaling, kasinggilas
'Di maitatangging Pilipinas
Ito ang liga

Mag-post ng isang Komento