ASIN MEDLEY SONG LYRICS

 Sa gitna ng dilim

Ako ay nakatanaw

Ng ilaw na kay panglaw

Halos 'di ko makita


Tulungan mo ako

Ituro ang daan

Sapagkat ako'y sabik

Sa aking pinagmulan


Bayan ko, nahan ka

Ako ngayo'y nag-iisa

Nais kong magbalik

Sa iyo, bayan ko


Patawarin mo ako

Kung ako'y nagkamali

Sa landas na aking

Tinahak


Tinangay na ng hangin

Ang masamang panaginip

Kaya't bigyan mo ng puwang

Ang puso mong nalulumbay


Isip mo'y unti-unting

Nawawala't nalilito

Ang tulad mo'y parang usok

Unti-unting naglalaho...


INSTRUMENTAL....



Wala ka bang napapansin

sa iyong mga kapaligiran?

Kay dumi na ng hangin, pati

na ang mga ilog natin.


hindi na masama ang pag-unlad

at malayu-layo na rin ang ating narating

ngunit masdan mo ang tubig sa dagat

dati'y kulay asul ngayo'y naging itim


ang mga duming ating ikinalat sa hangin

sa langit huwag na nating paabutin

upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang

hangin sa langit natin matitikman


mayron lang akong hinihiling

sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan

gitara ko ay aking dadalhin

upang sa ulap na lang tayo

magkantahan


INSTRUMENTAL....


Ang mga batang ngayon

lang isinilang may hangin pa

kayang matitikman? may mga puno

pa kaya silang aakyatin may

mga ilog pa kayang lalanguyan?


bakit di natin pagisipan

ang nangyayari sa ating kapaligiran

hindi na masama ang pag-unlad kung

hindi nakakasira ng kalikasan


darating ang panahon mga ibong gala

ay wala nang madadapuan

masdan mo ang mga

punong dati ay kay tatag ngayo'y

namamatay dahil sa 'ting kalokohan


lahat ng bagay na narito sa lupa

biyayang galing sa diyos

kahit nong ika'y wala pa

ingatan natin at 'wag nang sirain pa

pagkat pag kanyang binawi,

tayo'y mawawala na


mayron lang akong hinihiling

sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan

gitara ko ay aking dadalhin

upang sa ulap na lang tayo

magkantahan

Mag-post ng isang Komento