Coritha - Awit Kay Leandro Lyrics

Coritha Lyrics

"Awit Kay Leandro"


O Leandro, bakit ba ganyan

Ang takbo ng gulong ng tadhana

O Leandro, masdan mo sana

Ang lungkot ng mundo ay pamana

Matindi ang ating kahirapan

Mapait ang ating nadama

Ngunit kung tayo ay magmahalan

May ligaya kahit kailanman

 

Halina, may pag-asa pa

Ang hapdi ng dibdib, may lunas

Ang landas ng ating buhay

Ay tiyak nasa ating kamay

 

O Leandro, liliwanag ba

Kung ika'y malupit at alinlangan

Buksan mo sana ang damdamin mo

At tibay ng puso'y di maglalaho

Kahit na mabigo ang pangarap

Panaginip nama'y magwakas

Dahil kung tayo ay magmahalan

May ligaya kahit kailanman

 

Magsaya, may bagong bukas

May langit ang bawat nilikha

Hari ka ng iyong buhay

Mahiwaga ang pusong tunay

 

Halina, may pag-asa pa

Ang hapdi ng dibdib, may lunas

Ang landas ng ating buhay

Ay tiyak nasa ating kamay


Mag-post ng isang Komento