Coritha - Gising Na O Kuya Ko Lyrics

Coritha Lyrics


"Gising Na O Kuya Ko"


Mayro'n isang binata
Akala mo kung sino
Kung s'ya ay kumilos
Daig pang may trono
 
Kung s'ya ay matulog
Daig pa ang lolo
Gising na
O kuya ko
 
Ang hilig ng
Binata'y
Mag-goodtime ng
Mag-goodtime
Di man n'ya naisip
S'ya rin ay tatanda
 
Darating ang araw
Wala nang kinabukasan
Gising na
O kuya ko
 
Maghanap ka ng trabaho
Magbanat ka ng buto
Pagbigyan ang 'yong
Magulang
Dinggin mo
O kuya ko
 
Masdan mo
Nasa bintana
Mataas na ang araw
Kailan ba ang 'yong
Pagbangon
Pag huli na ang lahat
 
Mayro'n isang binata
Hindi na s'ya natuto
Akala n'ya ang buhay
Gawang biro ito
 
Hindi man n'ya naisip
Lahat ay may dulo
Gising na
O kuya ko
 
Masdan mo nasa bintana
Mataas na ang araw
Kailan ba ang 'yong
Pagbangon
 
Pag huli na ang lahat
Gising na.. o kuya ko..

Mag-post ng isang Komento