Claire de la Fuente Lyrics
"Minsan Minsan"
Naaalala mo ba ako
Kahit paminsan-minsan
Nalulungkot ka rin ba, na kagaya ko...
Bakit nga ba nagkalayo
Tayo sa isa't isa
Nag away sa isang bagay
Na walang halaga...
•••Chorus•••
Maligaya ka kaya ngayon
Sa 'yong minamahal
Mayroon na kayang pumalit
Sa pitak ko, sa puso mo...
Nalimutan mo na nga kaya ako
Sa piling, ng iba
Minsan minsan, sana'y maalala...
Di ka ba nanghinayang
Sa naglahong pangarap
Tinalo ang pag-ibig, ng pagmamalaki...
•••Chorus•••
Maligaya ka kaya ngayon
Sa'yong minamahal
Mayroon na kayang pumalit
Sa pitak ko sa puso mo,
Di mo ba ako naaalala
Kahit minsan minsan lang
Inaamin ko, mahal pa rin kita...
Sanay, malaman mo
Na mahal mo pa ako
Aking inaasahan
Na bumalik, ka na....
Mag-post ng isang Komento