Eraserheads Lyrics
"Tindahan Ni Aling Nena"
Isang araw
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena
Para bumili ng suka
Pagbayad ko, aking nakita
Isang dalagang nakadungaw sa bintana
Natulala ako, laglag ang puso ko
Nalaglag din ang sukang hawak ko
Napasigaw si Aling Nena
Ako naman ay parang nakuryenteng pusa
Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na
Nakatawa ang dalaga
Panay ang "sorry, ho"
Sa pagmamadali, nakalimutan pa ang sukli ko
Pagdating sa bahay, nagalit si nanay
Pero oks lang, ako ay inlababo nang tunay
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Pumunta ako sa tindahan kinabukasan para makipagkilala
Ngunit sabi ni Aling Nena
Habang maaga'y huwag na raw akong umasa
Anak niya'y aalis na papuntang Canada
Tatlong araw na lang ay ba-bye na
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Hindi mapigil ang damdamin
Ako'y nagmakaawang ipakilala (ho, ho, ho, ho)
Payag daw siya kung araw-araw
Ay mayro'n akong binibili sa tinda n'ya
Ako'y pumayag at pinakilala niya
Ang kanyang kaisa-isang dalaga
Ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na
At iniwan akong nakatanga
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Tindahan ni Aling Nena
Dito nauubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay
Oh, Aling Nena, please naman maawa ka, haa
Alam n'yo'ng nangyari?
Wala, wala, ah, ah
(Oh, Diyos ko!)
Wala, wala, ahh
Mag-post ng isang Komento