Jaya - Hanggang Ngayo'y Mahal Lyrics

Jaya Lyrics



"Hanggang Ngayo'y Mahal"



Minsan pa'y muling naisip ka
Hanggang ngayo'y ikaw pa rin sa alaala
Nais ko'y muling makita ka
At sana ay muling mahagkan pa
Pilit ko mang limutin ay ikaw pa rin
Paglisan mo ay kay hirap na tanggapin
Bakit kaya nang mawala, hanap pa ri'y ikaw?
Oh, kay lamig ng magdamag, gabi'y laging kulang
Init ng 'yong pagmamahal, ngayon ay nasaan?
Hanggang ngayon, ika'y minamahal
Kahit na sadyang lumimot ka
Walang ibang inaasam sa 'king pag-iisa
Nais ko'y muling makita ka
At sana ay muling mahagkan pa
Pilit ko mang limutin ay ikaw pa rin
Paglisan mo ay kay hirap na tanggapin
Bakit kaya nang mawala, hanap pa ri'y ikaw?
Oh, kay lamig ng magdamag, gabi'y laging kulang
Init ng 'yong pagmamahal, ngayon ay nasaan?
Hanggang ngayon, ika'y minamahal
Bakit kaya nang mawala, hanap pa ri'y ikaw?
Oh, kay lamig ng magdamag, gabi'y laging kulang
Init ng 'yong pagmamahal, ngayon ay nasaan?
Hanggang ngayon, ika'y minamahal
Hanggang ngayon, ika'y minamahal


Mag-post ng isang Komento