Jeric Medina - SA’YO Lyrics

Jeric Medina Lyrics



"SA’YO"



Verse 1
Hindi ko na mapigil ang
Aking mga nadarama
Kailangang pagisipan na
Kung saan na ba ‘to papunta
Sasabihin na ba o hindi pa?
Sasabihin na ba o hindi na?
Nalilito, nalilito, nalilito

Verse 2
Kung sakaling ‘di ko magawang
Ilahad ang nararamdaman
Kailangan kong malaman na ang
Puso’y dapat handang masaktan
Sasabihin ko na, kung hindi pa
Baka mawalan ng pag-asa
Ito na ‘to, ito na ‘to, totoo

Chorus
Gusto kong malaman mo
Sa’yo lang ang aking mundo
Dadalhin kita sa buwan
Ang puso ko’y sa’yo
Lang ibibigay
Ang lahat ng ito’y tunay
‘Wag ka nang magalala
Dahil ako’y sa’yo
Ohh, ohh, ohh
Ohh, ohh, ohh
Ohh, ohh, ohh
Dahil ako’y sa’yo
Sa'yo, sa'yo

Verse 3
Tayo ay pinagtagpo
Tayo ay tinadhana
Hindi na ‘ko nalilito
Wala nang hahanapin pa
Ikaw ay laging iingatan
Ang buhay ko’y naliwanagan
Sa’yong sa’yo, sa’yong sa’yo, sa’yo lang ako

Chorus
Gusto kong malaman mo
Sa’yo lang ang aking mundo
Dadalhin kita sa buwan
Ang puso ko’y sa’yo
Lang ibibigay
Ang lahat ng ito’y tunay
‘Wag ka nang magalala

Bridge
Dahil ako’y naniniwala
Sa pag-ibig na walang magsasawa
Na habambuhay tayo ay magkasama
At ganito parin kahit tumanda na tayo
Hanggang dulo

Chorus
Gusto kong malaman mo
Sa’yo lang ang aking mundo
Dadalhin kita sa buwan
Ang puso ko’y sa’yo
Lang ibibigay
Ang lahat ng ito’y tunay
‘Wag ka nang magalala
Dahil ako’y sa’yo
Ohh, ohh, ohh
Ohh, ohh, ohh
Ohh, ohh, ohh
Dahil ako’y sa’yo
Ohh, ohh, ohh
Ohh, ohh, ohh
Ohh, ohh, ohh
Dahil ako’y sa’yo



Mag-post ng isang Komento