Moira Dela Torre - Dito Ka Lang Lyrics

Moira Dela Torre Lyrics


"Dito Ka Lang"


Ika'y dumating na parang ihip ng hangin
Ako'y nakahinga dahil sa 'yo
Tadhana ma'y 'di natin pwedeng alamin
Liliwanag ang daan tungo sa 'yo
Dito ka lang sa puso ko
Kung ito'y pag-ibig nga, takot ay 'di na dama
Dito ka lang palagi sa aking tabi
Lahat kayang harapin kung dito ka lang
'Di mapigilan ang lungkot na nadarama
Para bang dahong ligaw sa hangin
At no'ng dumating ka, parang magandang panaginip
Kasama ka sa buwan tuwing gabi
Dito ka lang sa puso ko
Kung ito'y pag-ibig nga, takot ay 'di na dama
Dito ka lang palagi sa aking tabi
Lahat kayang harapin kung dito ka lang
Ang buong lakas ay ibibigay ko kahit masaktan
Ika'y pupuntahan kahit sa'n ka man
Kung kailangan mo ako, aking mahal
Dito ka lang kahit puso ko'y
Pagod at parang 'di na kaya, mamahalin pa rin kita
Dito ka lang palagi sa aking tabi
Lahat kayang harapin, dito ka lang
Dito sa aking tabi
Dito ka lang

Mag-post ng isang Komento