Ronnie Liang - Ako'y Sundalo Lyrics

Ronnie Liang Lyrics



"Ako'y Sundalo"



Matapang, magiting, dakila ang adhikain
Hindi makasarili, huwaran, natatangi
Mandirigmang may puso at tapat
Makabagong bayaning tinitingala
Iniiwan ang pamilya sa ngalan ng tungkulin
Tinitiis ang pagod, hirap at gutom
Dalangin kay Bathala ay laging gabayan
Bigyan ng lakas upang harapin ang bukas
Whooo ako'y sundalong
Nagdarasal at naghahangad ng kapayapaan
Whoooo makakatulog ka
Ng tahimik at mahimbing dahil ako'y nagbabantay
Sa gitna ng pandemya o anumang sakuna
Giyera, lindol, bagyo o bumaha
Laging nakahandang tumulong sa kapwa
Lalaban, susulong, kahit anong hamon
Iniiwan ang pamilya sa ngalan ng tungkulin
Tinitiis ang pagod, hirap at gutom
Dalangin kay Bathala ay laging gabayan
Bigyan ng lakas sa pakikipaglaban
Whoooo ako'y sundalong
Nagdarasal at naghahangad ng kapayapaan
Whoooo makakatulog ka
Ng tahimik at mahimbing dahil ako'y nagbabantay
Whoooo ako'y sundalong
Nagdarasal at naghahangad ng kapayapaan
Whoooo makakatulog ka
Ng tahimik at mahimbing dahil ako'y nagbabantay

Mag-post ng isang Komento