Gerald Santos Lyrics
"Hindi Sapat Ang Minsan"
Walang sandaling malayo ka sa isip ko
At tila kay tagal ng panahon kung wala ka
Sadya bang kailangang tayo ay magparaya
Upang maramdaman tunay na pagmamahalan
Ano ang gagawin tuwing wala ka sa tabi
At bakit kay bigat ng diwa at damdamin ko
Kailangan bang tayo'y lagi lamang hadlangan
Kahit sinisigaw natin ay kalayaan
Hindi sapat ang minsan ika'y aking makapiling
Ang buhay ko'y ikaw lamang walang iba tanging ikaw
Sa puso ko nag-iisa kailanpaman
Hindi sapat ang minsan ikaw ay aking mahalin
Araw at gabi ikaw ang siyang hinihintay
Nagdarasal sa Maykapal ako ay pakinggan
Hindi ko makakayang mawalay kang lubos
Pagkat tayong dalawa ay para sa isa't isa
Hindi sapat ang minsan na ika'y akin pang ibigin
Bawat pintig ng puso ko'y ikaw ang siyang sinasambit
Maghihintay kahit ngayo'y nasasaktan
Hindi sapat ang minsan ikaw ay aking mahalin
Ipaglalaban ko kahit lumuha pa
Hinding-hindi mawawala ang aking pag-asa
Hindi sapat ang minsan ika'y aking makapiling
Ang buhay ko'y ikaw lamang walang iba tanging ikaw
Sa puso ko'y nag-iisa kailanpaman
Hindi sapat ang minsan ikaw ay aking mahalin
Mahalin
Mag-post ng isang Komento