Gerald Santos Lyrics
"Lagi Kang Nariyan"
Kay dilim na naman ng ulap
Paparating na ang hanging habagat
May lungkot at lumbay
Na nararamdaman
Tila nga ba walang katapusan
May kaba mang nadarama sa'king puso
Takot ay nadaraig naglalaho
Oh ama nariyan ka
Aking makakaya
Dahil 'di na muling mag-iisa
Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan
Pag-ibig mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi mo nilisan
'Pagkat natatanaw ang sikat ng araw
Na sa tag-araw at tag-ulan
Ay lagi kang nariyan
Oh ama sadyang kay hiwaga (kay hiwaga)
Ng alay mong araw at ulan (araw at ulan)
Aking nasaksihan
Ang Iyong kariktan
Na kailanma'y 'di ako pinabayaan (kailanma'y di ako pinabayaan)
Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan
Pag-ibig mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi mo nilisan
'Pagkat natatanaw ang sikat ng araw
Na sa tag-araw at tag-ulan
Ay lagi kang nariyan
Kahit saan kahit kailan
Ika'y masisilungan
Ama ikaw ang aking tahanan
Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan
Pag-ibig mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi mo nilisan
'Pagkat natatanaw ang sikat ng araw
Na sa tag-araw at tag-ulan
Ay lagi kang nariyan
Mag-post ng isang Komento