Josh Santana Lyrics
"Can't Help Fallin"
Tagalog version
Alam mo, ang ganda mo pala
'Pag tumawa ang iyong mata
Hinahabol ko ang bawat mong tingin
Ngunit ito'y 'di mo napapansin
Wala akong maipagmamayabang
Porma ko, pasimple-simple lang
Sino ba ako? Walang dating sa 'yo
'Di tayo bagay, sobra mong ganda talaga
'Di ko alam hanggang kailan tayo
'Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay, oh, sinasakyan lang 'yan
'Di ko alam ang tungo kung saan
'Pag sumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko
Oh, kay sarap mong kasama
Napapawi mga problema
Magaan dalhin, kay sarap lambingin
'Yun nga lang ay kaibigan kita
Akala ko, mapipigil ko
Pero laging nahuhulog sa 'yo
Nang 'yong nabuking, tinanong sa 'kin
"Dapat bang pagbigyan pag-ibig natin?" Mahalin
'Di ko alam hanggang kailan tayo
'Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay, oh, sinasakyan lang 'yan
'Di ko alam ang tungo kung saan
'Pag sumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko
Sa iba'y ito'y laro lamang
Away-away, puro selos lang
Ang iba, nagsisisi
Ang sabi, "'Wag na 'wag ko raw pasukan"
'Wag naman
'Di ko alam hanggang kailan tayo
'Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay, oh, sinasakyan lang 'yan
'Di ko alam ang tungo kung saan
'Pag sumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko
Alay ko ang puso ko
Mag-post ng isang Komento