Josh Santana Lyrics
"Huwag Hayaang Mawala"
Kung ang pag-ibig ay iyong nilaro
At naggsisisi ka sa kanyang paglayo
Di pa naman huli may bukas ka pa upang mapawi
Kung ang pag-iisip mo'y iba ang payo
Na subukan ang mali at di ang wasto
Manatiling may sugat sa puso habang buhay
Ang pag-ibig ay handog sa iyo (hay handog sa iyo)
Pakaingatan ng di na lumayo (ingatan mo di na lumayo)
Minsan lamang sa buhay mo wag hayaan mawala oh
Huwag hayaang mawala
Kay palad ng merong nagmamahal
Pagkat ito'y bigay ng Maykapal
Pakakatandaan ang sumpaan sa tipanan (oh)
Ang pag-ibig ay handog sayo (ang pag-ibig ay handog sayo )
Pakaingatan ng di na lumayo (ingatan mo na di lumayo)
Minsan lamang sa buhay mo wag hayaan mawala oh
Kay kulay ng buhay sa bawat sandali (sa bawat sandali)
Patak ng oras ay di mo man lang pansin
Habang kayakap ang bukas wag magwakas ang bawat pangarap
Kung minsan di natin mapagtanto dalawang damdamin iisa ang yugto
Ganyan lang talaga ang pag-ibig pag dumapo oh
Ang pag-ibig ay handog sa iyo
Pakaingatan para di na lumayo (ingatan mo na di lumayo)
Minsan lamang sa buhay mo wag hayaan mawala oh
Kay palad ng merong nagmamahal
Pagkat ito'y bigay ng Maykapal
Habangbuhay
Mag-post ng isang Komento