Julie Anne San Jose Lyrics
"Naririnig Mo Ba"
Parang kailan lang
Ay labis na akong nasaktan
Pinilit makalimutan ang nakaraan
At maghilom ang pusong sugatan
Nang ika'y dumating
Paglipas ng araw ay kasabay ng hangin
Naglalaro sa isip, susubukan na lang
Ang sarili na muling magmahal
Ang tanging hiling ay 'yong mapansin
Itong pagtingin at damdamin, sana'y tanggapin
Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat
Pwede bang ikaw na lang ang papawi sa mga luha?
Marahil nga, ikaw ang tibok ng puso, naririnig mo ba?
Hayaan na bigyan
Ng kulay ang bawat patlang
At sa pagguhit ng tadhana
'Di alam sa'n mapupunta
Naglalaro sa isip, susubukan na lang
Ang sarili na muling magmahal
Ang tanging hiling ay 'yong mapansin
Itong pagtingin at damdamin, sana'y tanggapin
Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat
Pwede bang ikaw na lang ang papawi sa mga luha?
Marahil nga, ikaw ang tibok ng puso, naririnig mo ba?
Ooh, hmm-mmm

Mag-post ng isang Komento