Marco Sison - Paano Kung Wala Ka Na Lyrics

Marco Sison Lyrics


"Paano Kung Wala Ka Na"


Paano kung wala ka na
Paano ang pag-iisa
Nasanay na ang puso kong laging kapiling ka
Ba't nag-iba sadya bang kay rupok ng pag-sinta
Pag-ibig sayang lang pala
Sumpa mo'y luha ang dala
Ang buhay ko'y akala ko'y walang kasing ganda
Sa isang iglap binawi mo'ng pag-asa ko't saya
Paano kung wala ka na
Ang daigdig ko'y mayro'n pa bang silbi at halaga
Kung ako ma'y nabigo't hirap ang siyang nadama
Kakayaning lahat
Kahit pa nga wala ka na
Ba't nga ba minahal kita
Pangako'y pansamantala
Ngayon ika'y lumisan na
Ako'y saan pupunta
Matitiis mo ba namumugtong mga mata
Paano kung wala ka na
Ang daigdig ko'y mayro'n pa bang silbi at halaga
Kung ako ma'y nabigo't hirap ang siyang nadama
Kakayaning lahat
Kahit pa nga wala ka na
Paano kung wala ka na
Ang daigdig ko'y mayro'n pa bang silbi at halaga
Kung ako ma'y nabigo't hirap ang siyang nadama
Kakayaning lahat
Kahit pa nga wala ka na


Mag-post ng isang Komento