Tito Vic And Joey - Anak ng… Kuwan Lyrics

Tito Vic And Joey Lyrics



"Anak ng… Kuwan"



Nung isilang ka sa mundong ito
Laking asar na magulang mo
At ang kamay nila'y kinagat mo
At ang lolo at lola mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pangit nilang apo
Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Pagkat makulit ang tatay mo
Sa umaga nama'y kalung ka
Ng iyong amang basang-basa sayo
Ngayon nga'y malaki kana
Malaki na rin ang utang mo
Manang mana ka sa tatay mo
Ikaw nga'y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
Kaya tinawag kang Totoy bato
Di mo alam na si Totoy bato'y
Tinodas na't binoga ni Boy pana
Di mo alam na si Totoy bato'y
Tinodas na't pinana ni Ben boga
Nagdaan pa ang mga araw
Tumubo ng bungang araw
Ikaw ay nagkamot kay masamang bisyo
At ang unang mong nilapitan ang iyong inang nagsasangla
At ang tanong anak meron ba tayo diyan
Dyan natatapos ang awiting anak
Na aming pinagbidahan
At dyan na rin natatapos
Ang pag-awit naming tatlong anak ng buwan


Mag-post ng isang Komento