Willie Revillame - Nando'n Ako Lyrics

Willie Revillame Lyrics

"Nando'n Ako"

Sa bawat ihip ng hanging dumadampi sa 'yo
Sa bawat sikat ng araw na halik sa pisngi mo
Sa bawat buhos ng ulan na ang dala'y walang-hanggan
Naroroon ako kailan pa man
Sa bawat ilog at dagat na 'yong lalanguyan
Sa bawat ningning ng bituing nang-aakit ang kinang
Sa bawat bundok at parang, maging hanggang kalangitan
Nando'n ako, hindi ka iiwan
Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at 'di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando'n ako, kasama mo, nando'n ako

Sa kalungkutan, maging kasiyahan
Makakasama mo ako't hindi ka iiwan
'Pagkat ang pag-ibig ko'y tanging ikaw lamang
Dadalhin ko hanggang kailan pa man
Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at 'di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando'n ako, kasama mo, nando'n ako

Mag-post ng isang Komento