Ang Pasko Ay Sumapit Lyrics - Filipino Christmas Song

"Ang Pasko Ay Sumapit"


Ang Pasko ay sumapit

Tayo ay mangagsiawit

Ng magagandang himig

Dahil sa Diyos ay pag-ibig

Nang si Kristo'y isilang

May tatlong haring nagsidalaw

At ang bawat isa

Ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong taon ay magbagong-buhay

Nang lumigaya ang ating bayan

Tayo'y magsikap upang makamtan natin ang kasaganahan

Tayo'y mangagsiawit

Habang ang mundo'y tahimik

Ang araw ay sumapit

Sa sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan

Ating sundin ang gintong aral

At magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan

Bagong taon ay magbagong-buhay

Nang lumigaya ang ating bayan

Tayo'y magsikap upang makamtan natin ang kasaganahan

Tayo'y mangagsiawit

Habang ang mundo'y tahimik

Ang araw ay sumapit

Sa sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan

Ating sundin ang gintong aral

At magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan

Mag-post ng isang Komento