Pandanggo sa Ilaw Lyrics - Philippine Folk Songs

Pandanggo sa Ilaw Lyrics - Philippine Folk Songs


Nang pista sa nayon

Nagsayaw ka hirang

Napakagandang pagmasdan

Ang maliliit mong hakbang

At ang tatlong basong

May taglay na ilaw

Ay tinimbang mong lahat

Sa ulo't sa mga kamay

Ngunit 'di mo alam

Na minamasdan kita

At nabihag mo ako

Sa iyong pandanggong kay sigla

Magbuhat na noon

Ay inaalala ka

Dahil sa walang lakas

Ang puso kong limutin ka

Sa pandanggo mo'y

Hanga ang lahat

Tangan mong mga ilawan

Ni isa'y walang lumagpak

Puso kong ito

Nais ko liyag

Ay ingatan mo na rin

Pagka't ikaw ang may hawak.


Pandanggo sa Ilaw Lyrics - Philippine Folk Songs

Mag-post ng isang Komento