"Trapik Tralala"
Song by 1:43
Pagod na pagod, inis na inis
Sa haba ng trapik, sa tulo ng pawis
Banas na banas, mukhang hindi aabot
Inip na inip sa kahihintay
Na low-batt ang cellphone
Wala pang powerbank
Walang magawa kundi maghintay lamang
Tumatakbo’ng oras ko
Lumalabo ang plano
Na makasama ka nang kahit tatlong oras lamang
Nagbibilang ng kotse, nagbibilang ng jeep
Habang nabibingi sa busina at beep
Marami nang inis, maraming naiinip…
Maaga pa naman nagpaalam
Nagsabing mayroong masamang pakiramdam
Mukhang nasayang itong pagkakataon…
Inis na inis na ako,
Ano nang nangyari sa’yo?
Nakahanap ka na ba ng ibang manliligaw?
Bus biglang nag-go, nandyan na ako
Tatlong oras na lang, half-way na sa Alabang
Para di mainip, kakanta na lang
Lalalala, lalalala, lalalala…
Lalalala, lalalala, lalalala…
Ha…
Sa tagal ng trapik, nalanta ang sabik
Ang balak na pag-ibig, ay naunsyami
Nasayang na ang gas, pagkakatao’y nawaldas…
Hindi na umabot, hindi na nagkita
Ang balak na pag-ibig ay natralala
Di bale okay lang, nakagawa naman ng kanta…
Trapik tralala, lalalala…
Lalalala… lalalala…
Trapik tralala, lalalala… ha…
Mag-post ng isang Komento