Hindi Kita Malimot Lyrics
Song by : Didith Reyes
[Verse 1]
Sa pangarap ko lamang lagi kang nakikita
Dahil sa nawawalay ka sa piling ko, sinta
Ako'y dumadalangin lalo na kay Bathala
Upang huwag kang lumimot 'pagkat mahal kita
[Verse 2]
Hindi kita malimot, alaala kita
Hindi kita malimot, minamahal kita
Isinusumpa ko sa 'yo, aking hirang
Na ikaw lamang ang tangi kong minamahal
[Verse 3]
Hindi kita malimot, huwag kang manimdiman
Hindi kita malimot, manalig ka, sinta
At kung ikaw man ay lumimot
Iyong alalahanin, mahal pa rin kita
Hindi kita malimot, huwag kang manimdiman
Hindi kita malimot, manalig ka, sinta
At kung ikaw man ay lumimot
Iyong alalahanin, mahal pa rin kita
Mag-post ng isang Komento