Filipino Children's Songs - Mga Awiting Pambata

Filipino Children's Songs - Mga Awiting Pambata


Maliliit na gagamba lyrics


Maliliit na gagamba

Umakyat sa sanga,

Dumating ang ulan

At itinaboy sila.

Sumikat ang araw,

Natuyo ang sanga,

Malilit na gagamba ay palaging masaya.


Nanay, Tatay lyrics


Nanay, Tatay

Gusto kong tinapay.

Ate, Kuya

Gusto kong kape

Lahat ng gusto ko ay susundin niyo

Ang magkamali ay pipingutin ko.

Isa, Dalawa, Tatlo...



Isa, Dalawa, Tatlo Butiki lyrics


Isa, dalawa, tatlo

Apat, lima, anim.

Anim na butiki

Nagtago sa dilim.



Jack 'n' Poy (Hale-hale-hoy!) lyrics


Jack 'n' Poy

Hale-hale-hoy!

Sinong matalo s'yang unggoy!


Tong, Tong, Tong lyrics


Tong, Tong, Tong

Tong pakitong-kitong

Alimango Sa dagat

Malaki at masarap

kay hirap hulihin

sapagkat nangangagat



Una-Unahan Tayo lyrics


Isa, dalawa, tatlo

Una-unahan tayo

Apat, lima, anim

Sa balong malalim

Pito, walo, siyam

Lakad parang langgam

Pagdating sa sampu

Ang lahat ay umupo!


Mag-post ng isang Komento