Heber Bartolome Lyrics
"Almusal"
Nilagang kape, tuyo at sinangag
Dilis na binusa at pritong tinapa
Sawsawang suka, bawang at paminta
Ganyan ang almusal na nakakagana
Nilagang itlog, kamatis na may asin
Ganyan ang laging kombinasyon sa pagkain
Isda man o karne, sadyang mahal ngayon
Kaya't ulam namin, inihaw na talong
(REF)
Dahil ako'y lumaki sa pagkaing ganyan
Kahit anong ihain ng mahal kong nanay
Hindi ko na kailangan pa, tinidor at kutsara
Ang magkamay ay mas mainam pa
Sardinas na maanghang, inutang lang sa tindahan
Manipis na pandesal sa kape'y isinasawsaw
Presyo ng bilihin, hindi na makaya
Kaya't nagtitiyaga sa tuyo at tinapa
(Repeat Chorus)
Kaya nga ngayon, panaho'y nagbago
Pagkain ng almusal, di na yata uso
Merong nagtitipid, gumagawa ng paraan
Ang almusal at tanghalian, pinagsasabay na lang
(Repeat Chorus except last word)
Mag-post ng isang Komento