Loonie - Meron Na Lyrics

"Meron Na"

by Loonie


[Verse]

Yeah

Sa wakas meron na, tapos na ang pagtitiis

Alam ko naman na marami ng mga naiinip at naiinis

Pasensya kung maraming mga extra curricular activites

Daig ko pa ang nag-seminaryo sa tagal ko nang hindi nagre-release

Kamusta Philippines?

Medyo matagal-tagal na rin nung huli akong naglabas

Binuro na ng panahon, kahon-kahon na ang mga katas

Hinahabaan pa ang intro, walang pakialam sa mga diss niyo

Lalong-lalo na kung galing lamang sa mga nakikisilong sa malawak kong anino

Wasak ang mga ego na maangas at pabibo, na akala mo kung sino

Natapatan sa talino

Pinapahinto ko ang algoritmo, siguradong milyon bawat bagong video

Isa na 'kong Senior parang Santo Niño

Paborito mong rapper, ako ang paborito walang halong biro

Tinaguriang "Hari Ng Tugma" sa mga computer shop

Sa'kin pa rin ang korona kahit magpa-booster shot

Ang aking estilo ay may sariling etiketa, mag-ingat sa imitasyon na binebenta

[?] na akala mong nireseta

Tinapos ng isang upuan parang bisikleta

Marami akong mga ataol na nireserba para sa mga rapper na utak may dipirensya

Habang ang mga tira niyo ay aking dinededma

Isipan niyo naman ay libre ko na nirerenta


Mag-post ng isang Komento