Marissa - Unang Pag-ibig, Unang Pagluha Ko Lyrics

Unang Pag-ibig, Unang Pagluha Ko

by Marissa


Unang pag-ibig ko, unang pagluha ko

Ito kaya ay palad ko...


Siya ang una kong pag-ibig

Siya ang una kong giliw

Bawa't sandali sa buhay

Di dumalaw ang lumbay

Ang akala ko ay tunay

Ang pag-ibig niyang alay

Halos ako ay pumanaw

Sa aking natuklasan


Unang pag-ibig ko, unang pagluha ko

Sa isang taong mapaglaro

Unang pag-ibig ko, unang pagluha ko

Isang aral sa buhay ko


Kay tamis ng bawa't araw

Sa piling ng iyong mahal

Unang halik  niya sa akin

Ay halik na kay lambing

At nang dumating ang araw

Na di ko siya naaangkin

Biglang gumuho ang langit

Tamis ay naging pait...


Mag-post ng isang Komento