Marupok Na Sumpa Lyrics - Kundiman Songs

Marupok Na Sumpa Lyrics - Kundiman Songs

by: Larry Miranda

This song is included in Larry Miranda's

"Sa Lumang Simbahan" album.

Published under "Mayon" Record Label and

released by Alpha Recording System.

                     ~*~

Nalalaman kong ako'y di mo mahal

At ikaw ay nagsalawahan

Sumumpa-sumpa kang mamahalin

At ako ngayo'y halos mabaliw

Sa tamis ng iyong pangako

At sa iyong mga pagsuyo, puso koy nalahuyo

Sinaksi-saksi mo pa ang langit

Pinasasahan ko ang langit

Ang dalisay mong pag-ibig, ang dinulot ay pasakit

At pawang hinanakit

Bakit aking natutunan kita'y mahalin

Kahit na hindi tunay ang iyong pag-ibig?

At hindi ko akalain na ikaw ay magtaksil

Gayong lagi kong dalangin, nawa'y di ka magmaliw

Kumalas ka man sa ating sumpaan

Yapos sa 'yo giliw nagdaramdam

At kung nalaman ko lamang na ikaw ay salawahan

Sana'y di na minahal

Ikaw pala giliw............salawahan

Marupok Na Sumpa Lyrics - Kundiman Songs

Mag-post ng isang Komento