Mutya Ng Pasig Lyrics
Music by Nicanor AbelardoWords by Deogracias A. Rosario
Kung gabing ang buwan sa langit ay nakadungaw,
When at night the moon in the sky looks over,
Tila ginigising ng habagat sa kanyang pagtulog sa tubig.
As if the South wind awakens it as it sleeps on the water.
Ang isang larawang puti at busilak,
A vision of immaculate (pure) whiteness,
Na lugay ang buhok, na animoy agos
With hair let loose like flowing water,
Ito ang Mutya* ng Pasig*,
This is the Jewel of Pasig,
Ito ang Mutya ng Pasig.
This is the Jewel of Pasig.
Sa kaniyang pagsiklot sa maputing bula,
As she moves in the white foam of bubbles,
Kasabay ang awit, kasabay ang tula.
with a song, with poetry.
Dati akong paraluman*,
I was once a muse,
Sa kaharian ng pag-ibig,
In the kingdom of love,
Ang pag-ibig nang mamatay,
When love died,
Naglaho rin ang kaharian.
The kingdom vanished.
Ang lakas ko ay nalipat,
My strength was put (transferred) into,
Sa puso't dibdib ng lahat,
The hearts of all,
Kung nais ninyong ako'y mabuhay,
If you wish me to live,
Pag-ibig ko'y inyong ibigay.
Give (my) love* (Share my love).
Kung nais ninyong ako'y mabuhay,
If you wish me to live,
Pag-ibig ko'y inyong ibigay!
Give (my) love* (Share my love).
Mag-post ng isang Komento