Parokya ni Edgar - Namamasko Po Lyrics

Namamasko Po

Song by Parokya ni Edgar


Namamasko po!

Pagpasensiyahan n'yo na kung kami'y nanggugulo

Ganyan lang talaga t'wing kami'y namamasko

Walang pakialam kung saan mapadaan

Basta't mayro'ng mga mapagkakakitaan


May bitbit na gitara para sa 'ming pagkanta

Mayro'ng dalang tubo, baka may manghabol na aso

Tanggap naman namin na kami ay sintunado

Pero naman, lolo, please lang, 'wag kang mambabato


Paminsan-minsan lang naman ang trip na 'to (patawarin)

Paminsan-minsan lang naman din ang Pasko (maraming salamat)

Hindi na dapat pinag-iisipan pa

Lahat tayo ay dapat magsaya


Hapon pa lang, nagkakaroling na kami

Tinatanggap namin, maging dyis man o 20

'Di na kailangan pang mahusay ang pagkakanta

Basta't sabay-sabay kami at sama-sama


Magkano na kaya ang aming naipon?

Ayos lang kahit magkano basta't may pang-inom

Ilang bahay na lang, mayro'n nang pampulutan

Tapos sa bahay ko kami mag-iinuman


Paminsan-minsan lang naman ang trip na 'to (patawarin)

Paminsan-minsan lang naman din ang Pasko (maraming salamat)

Hindi na dapat pinag-iisipan pa

Lahat tayo ay dapat magsaya


'Di na yata magsasawa sa 'ming pagsasama-sama

At sa aming pagkanta, asahan na maraming kita

At kami ay sigurado na panandalian lamang 'to

Alam naman namin na 'di nga araw-araw ang Pasko

Mag-post ng isang Komento