Pamaypay ng Maynila
Artist: Sylvia La Torre
Album: Sa Kabukiran
Pamaypay ng Maynila
na aking tangan-tangan
Ang siyang magsasabi
ng damdamin yaring buhay
Ang bawat mga kilos
at hudyat ng pamaypay
May ibig na sabihin
na dapat mong pag-aralan
Pag ito'y nakatabing
sa tapat ng mukha ko
Ang ibig na sabihin
ay nahihiya ang puso ko
Ngunit pag namasdan mo
sulyap ko ay sa iyo
Ang ibig na sabihin
may pag-asa ang puso mo
Pag ito'y pinangaspas
ng maraya't maduling
Ako ay nagagalit
huwag mo sanang babatiin
Subalit pag banayat
may ngiti pa at lambing
Ako ay umibig
lapitan mo aking giliw
Pamaypay ng Maynila
Kay sarap na gamitin
Ang aliw at panglunas
sa mainit na damdamin
Bawat simoy ng hangin
na dito'y nanggalin
At hatid ay pag-ibig
ng puso kong matampuhin
Pag ito'y pinangaspas
ng maraya't maduling
Ako ay nagagalit
huwag mo sanang babatiin
Subalit pag banayat
may ngiti pa at lambing
Ako ay umibig
lapitan mo aking giliw
Pamaypay ng Maynila
Kay sarap na gamitin
Ang aliw at panglunas
sa mainit na damdamin
Bawat simoy ng hangin
na dito'y nanggalin
At hatid ay pag-ibig
ng puso kong matampuhin
Mag-post ng isang Komento