Kamikazee - Narda Lyrics

Narda Lyrics

by Kamikazee


Tila ibon kung lumipad

Sumabay sa hangin,

Ako'y napatingin

Sa dalagang nababalot ng hiwaga

 

Mapapansin kaya

Sa dami ng 'yong ginagawa?

Kung kaagaw ko ang lahat,

May pag asa bang makilala ka?

 

Awit na nananawagan

Baka sakaling napakikinggan

Pag ibig na palaisipan

Sa kanta na lang idaraan...

 

Nag-aabang sa langit,

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala,

Kahit sulyap lang, Darna!

 

Ang swerte nga naman ni Ding,

Lagi ka nyang kapiling

Kung ako sa kanya

Niligawan na kita

 

Mapapansin kaya

Sa dami ng 'yong ginagawa?

Kung kaagaw ko ang lahat,

May pag asa bang makilala ka?

 

Awit na nananawagan

Baka sakaling napakikinggan

Pag ibig na palaisipan

Sa kanta na lang idaraan...

 

Nag-aabang sa langit,

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala,

Kahit sulyap lang, Darna!

 

Tumalon kaya ako sa bangin,

Para lang iyong sagipin?

Ito ang tanging paraan

Para mayakap ka

 

Darating kaya

Sa dami ng 'yong ginagawa?

Kung kaagaw ko sila,

Paano na kaya...?

 

Awit na nananawagan

Baka sakaling napakikinggan

Pag ibig na palaisipan

Sa kanta na lang idaraan...

 

Nag-aabang sa langit,

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala,

Kahit sulyap lang, Darna!

 

Nag-aabang sa langit,

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala,

Kahit sulyap lang, Darna!



Mag-post ng isang Komento